Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face-to-face klase ibabalik sa January 2021

0 243

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na papayagan lamang ang face-to-face classes simula sa January 2021.

Nilinaw ito ng Pangulo makalipas ang isang linggo matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na hindi gaanong delikado sa banta ng COVID-19.

“No traditional teaching hanggang walang bakuna,” ayon sa Pangulo dahil ayaw umano niyang ilagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at mga guro.

Ayon sa Pangulo, inaprubahan niya ang mungkahi ng DepEd na magsagawa ng limitadong face-to-face klase dahil sa akalang magkakaroon na ng bakuna sa COVID-19 pagsapit ng Setyembre.

“I seemed to have said that I would allow the face-to-face classes to resume. We were talking actually of January because my thinking is by September, we would have the vaccine,” sabi ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.