Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face to face TEDSA training pinayagan sa GCQ, MGCQ

0 205

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang face to face training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Inanunsyo ito kahapon ni Presidential Spoksperson Harry Roque kasunod ng unti-unting pagluluwag sa mga paghihigpit na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Roque na makapagpapatuloy na ng technical education ang mga estudyante at indibidwal na nais makinabang sa libreng training na ibinibigay ng TESDA.

Pero nilinaw ni Roque na ang face to face training ay maaaring gawin lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) para masiguro pa rin ang kaligtasan ng mga papasok sa pagsasanay ng TESDA.

Kasama ring papayagan sa face to face training ang iba pang technical vocational institution sa mga lugar na nasa GCQ.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.