Abante Tonite Interactive

Facebook down muling nakaapekto sa mga user

0 170

Muling nakaranas ng pagkaantala sa serbisyo ng mga social media site na Facebook at iba pa nitong mga app na Instagram at Whatsapp kahapon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Agad napansin ng mga user na hindi ma-access at hindi nagre-refresh ang news feed ng mga ito sa Facebook at Instagram habang hindi naman makatanggap at makapagpadala ng mensahe gamit ang WhatsApp.

Matatandaan na noong Marso ay nagkaroon din ng outage sa Facebook na tumagal ng halos 8 oras bago naresolba ng kompanya. Sinabi nitong nangyari ang problema dahil sa ‘server configuration change’.

Abante Hiring – IT dep

Sa Twitter inilabas ng mga apektadong user ang kanilang hinaing sa pagkahinto ng serbisyo.

Ayon sa user na si @21yvinosiop, “Kaya pala hindi ko maopen facebook ko down na naman pala, akala ko sa net at phone ko may problem.”

Habang ang iba ay inakala na may problema lamang sa kanilang internet connection.