Abante Tonite Interactive

Facebook ni Robin ‘di na suspendido

By
886

tonite-imo-vinia-vivarMay Facebook account na ulit si Robin Padilla matapos itong masuspendi last Friday. Tila nakatulong ang pagrereklamo ng action star nang ma-interview siya sa DZBB nang araw na iyon.

Ayon kay Binoe sa naturang panayam ay hindi raw niya alam kung bakit nasuspendi ang kanyang FB account.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Binoe last Friday na “no data available” ang lumalabas kapag sine-search niya ang FB account.

“Nawala po sa Facebook ang aking official account. Paumanhin sa aking mga tagasunod lalo sa Katipunan. Mawala man po itong aking Instagram account tandaan ninyo mga kapanalig ang ating mga naging aral at ang ating mga adhikain,” ang bahagi ng caption ni Binoe sa kanyang IG post.

Hinihinalang ang pagbira niya kay Sen. Antonio Trillanes IV ang dahilan ng pagkakasuspendi ng FB account ni Binoe.

Last Sept. 4 ay nag-Facebook Live ang action star habang nasa labas siya ng Senate building matapos ang arrest order ni Pangulong Rodrigo Duterte against Sen. Trillanes.

Sa nasabing FB Live ay matitindi ang mga pahayag ni Binoe laban kay Sen. Trillanes na inilabas na rin ng iba’t ibang dyaryo and online site. Isa sa strong statement na pinakawalan niya laban sa Senador ay “lumabas ka! ‘Wag kang magtago sa saya ng Senado!”

Kahapon ay tiningnan namin ang FB account ni Robin at okay na ito. ‘Yun nga lang, ang huling post na mababasa sa kanyang account ay Aug. 10 pa.

As we all know, si Robin ay strong supporter ng ating Pangulong Duterte simula pa noong 2016.

***

Klaudia minaliit ng dating asawa

Humarap sa entertainment press ang dating sexy star na si Klaudia Koronel last Friday night para sa isang tsikahan. Sinagot na rin niya ang ilang mga issues na lumalabas sa kanya noon pa lalo na nga pagdating sa kanyang personal life.

Si Klaudia ay matagal nang naninirahan sa Amerika dahil doon nakabase ang kanyang dating Chinese huband. Nagpakasal sila noong 2009 at ngayon ay divorced na sila.

Dumating si Klaudia sa ‘Pinas just recently at umuwi lang daw siya para ibenta ang kanyang condo unit sa The Fort, sa BGC.
Maraming tanong ang entertainment press sa dating sexy star, unang-una na nga rito ay kung ano talaga ang totoo sa dahilan ng hiwalayan nila ng Chinese husband.

Dito na nagsimulang naging emosyonal si Klaudia dahil masakit pa sa kanya hanggang ngayon na hindi nag-work-out ang kanilang marriage matapos niyang isakripisyo ang lahat pati ang sariling pamilya dito sa Pilipinas.

Ipinagtapat niyang bago sila ikasal ay pinapipirma raw siya sa pre-nuptial agreement ng mister niya pero hindi raw niya ito ginawa.
Natuloy naman daw ang kasal pero hindi naging maayos ang kanilang pagsasama. Napakababa raw ng tingin sa kanya ng mister. Hindi naman daw siya sinasaktan pero more on verbal abuse ang naranasan niya.

“Minamaliit niya ‘yung pagkatao mo, ‘yung pagka-Pilipino mo,” she said.

Dumaan daw siya sa depresyon at ilang beses nang nagtangkang magpakamatay. Pero good thing, hindi naman nag-succeed ang kanyang suicide attempt.

Ngayon ay pinipilit ulit bumangon ni Klaudia. May home care business pa rin naman daw siya sa US at mga properties dito sa ‘Pinas na nakuha niya nang mag-divorce sila bilang part ng conjugal property dahil hindi nga siya pumirma sa pre-nup.

When asked kung interesado ba siya na magbalik sa pag-aartista, aniya, gustuhin man niya ay may home care bussines siya sa US na dapat asikasuhin. Bukod dito ay hinihintay raw niyang lumabas muna ang kanyang US citizenship.

Bagama’t hindi sila nagkaanak ng ex-husband ay may anak siya sa kanyang past relationship na nasa poder niya kaya kailangan niyang magpakatatag.

Si Klaudia ay sumikat noong dekada 90 at isa sa mga sexy stars ng Seiko Films. Napanood siya sa mga pelikulang Anakan Mo Ako, Ke­song Puti, Pisil, Linggo Lang Ang Pahinga, Walang Dayaan Akin Ang Malaki, Babaeng Putik, Gamu-Gamong Dagat, Hubad Sa Ilalim Ng Buwan, Tuhog, Live Show, at marami pang iba.