Abante Tonite Interactive

FAD bagong sakit ng mga adik sa Facebook

34

May ‘Pteronophobia’ ang taong takot na makiliti sa pamamagitan ng feathers.

***

Alam ba ninyong nagiging kulay pula ang pawis ng Hippopotamus kapag sila ay upset.

***

‘Facebook Addiction Disorder’ (FAD) ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na kinukonsidera na ngayon ng mga Psychologist.

***

May sakit na Cherophobia ang isang taong takot na sumaya.

***

Ayon sa pag-aaral, nakabaliko ang saging dahil sa paghahanap nito sa sinag ng araw.

***

Nagpapahid ng ihi sa ulo ang mga lalaking ‘billy goats’ upang akitin ang mga babaeng kalahi nito.

***

Si King Henry VIII ay natutulog katabi ang isang higanteng palakol.

***

Ayon sa mga siyentipiko, ang heart attack ay karaniwang sumusumpong tuwing Lunes.

***

Naitala noong 2015 na mas maraming tao ang namatay dahil sa ‘selfie’ kumpara sa shark attack.

***

Ang ungol ng Lion ay maaaring maririnig sa layong 5 milya.

***

Spiderling ang tawag sa baby spider.

***

Ayon sa pananaliksik, hindi puwedeng magsabay ang paghilik sa pananaginip.

***

Ang tanong na “Do geese see God?” ay parehas din kapag binasa ng pabaliktad.

***

Kasing laki lang ng isang pulgas ang baby octopus kapag ipinanganak.

***

Ang mga unang pasaherong nakasakay sa hot air balloon ay ang kam­bing, pato at manok.

***

Maaaring gamiting ground for divorce ng mga babaeng taga-Saudi kapag ‘di sila sinilbihan ng kape ng kanilang mister.

***

Ang titanic ang unang sasakyang pandagat na gumamit ng SOS signal.

***

Ayon sa pagsusuri, tatlong porsiyento ng yelo sa Antartic glaciers ay ihi ng penguin.

***

Alam n’yo ba na ang puso ng hipon ay matatagpuan sa kanyang ulo. Dahil ang dibdib at ulo nito ay natatakpan lamang ng iisang shell. Sa pang­kalahatan ang katawan ng hipon ay nahahati lamang sa dalawang parte, ang ulo at buntot nito.