Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fadol tinagpas Italian, Qatari

0 438

Humambalos ng tigdalawang panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre upang manatiling may mga tsansa para magqualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na July 23-August 8.

Dinispatsa ni Fadol, 26, si home bet Aia Mohamed, 11-6, 11-6. 11-3, 11-5, saka ginimbal si Italian Olympian Debora Vivarelli, 11-6, 11-9, 11-9, 7-11, 5-11, 7-11, 11-9 sa Tokyo 2020 TTE: World Singles Qualification Tournament 1 nitong Linggo sa Ali Bin Hamad Al Attiya Arena sa Doha, Qatar.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinatalsik din ni Nayre, 21, sa Round of 32 si Latvian Daniels Kogan, 11-4, 8-11, 11-9, 11-4, 22-3, at sa Last 16 si Slovakian Lubomir Pistej, 7-11, 11-8, 5-11, 11-7, 5-11, 11-3, 11-0.

‘Di naman pinalad ang dalawa pang PH bet na sina John Russel Misal at Jannah Romero sa kanilang mga laban. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.