Abante Tonite Interactive

Faeldon, handang bumalik sa kulungan

0 1,655

Handa si dating Marine Colonel at dating Magdalo member Nicanor Faeldon na bumalik sa kulungan sa sandaling bawiin din ng gobyerno ang amnestiya na ibinigay sa kanya ng dating administrasyon.

Sa panayam sa Senado, inamin ni Faeldon na may mali sa proseso ng paggawad ng amnestiya ng nakalipas na admi­nistrasyon.

“Yeah I believe, I think may problema talaga. Act of pardon and amnesty is act of the state, it can’t be delegate,” saad ni Faeldon.

Nilinaw din ni Faeldon sa kanyang paghahain ng aplikasyon para sa amnesty ay kinakaila­ngang may kaakibat na affidavit kung saan inaamin ang pagkakamali sa partikular na kaso.

“But one of the requirements there is that you have to attached affidavit specifically admitting specifically identified offenses so attachment po yung affidavit of admission of guilt. I don’t know how many submitted that affidavit of guilt,” diin ni Faeldon.