Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Failon, Manzano panlaban ng TV5

0 488

Matunog ang balita na lilipat si Ted Failon sa TV5 . Matutunghayan din siya umano sa Radyo Singko, 7 AM Monday to Friday.

Hindi lang siya ang tatalon dahil natsitsismis din si Luis Manzano.

Palalakasin nila ang Kapatid network. Panlaban din sila sa ibang network.

Mula sa report ng business site na Bilyonaryo, sinungkit umano ng TV5 ang sikat na TV host na si Luis Manzano mula sa ABS-CBN.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang source ang nagsabi na bibida si Luis sa isang noontime show ng TV network ni Manny V Pangilinan, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon.

Ang nasabing time slot ay pinaghaharian ngayon ng longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’ sa GMA-7, habang mapapanood pa rin ang ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya Channel sa cable TV, maging online.

Hindi na ito nakakagulat dahil unang tumalon ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola sa TV5, na may fitness show na sa naturang network.

Nakilala si Luis sa kanyang mga programa sa ABS-CBN tulad ng ‘The Voice’, ‘I Can See Your Voice’ at ‘Minute To Win It’. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.