Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Failon tatalon sa TV5

0 328

Nagkakalinaw na ang usap-usapan kung saang tv network lilipat ang mga sikat na host ng ipinasarang ABS-CBN matapos na hindi bigyan ng prangkisa ng Kongreso.

Sa nakalap na impormasyon ng Tonite, epektibo umano sa susunod na buwan (Setyembre) ay mag-o-ober da bakod na sa TV 5 ang isa sa TV Patrol host na si Ted Failon.

Magpapaalam umano si Ted sa kanyang mga programa sa susunod na linggo.

May basbas na rin umano ang mga boss ng ABS-CBN sa pag-alis ni Failon.

Bibitbitin umano ni Ted sa paglipat sa TV5 ang mga staff nito sa programang `Failon Ngayon’.

Sinasabi ring susunod kay Failon ay ang kasamahan din nito sa TV Patrol na si Noli ‘Kabayan’ de Castro pero walang linaw kung saan ito lilipat na istasyon.

Nauna nang kumumpirma ng paglipat ng istasyon si Korina Sanchez na ang magiging show ay ‘Rated Korina’ sa TV5.

Hahalili umano kay Ted si Julius Babao na may kontrata pa sa ABS-CBN na sinusulit umano ang binayad kaya lagare sa mga online show ng Kapamilya network.

Mananatili naman si Bernadette Sembrano bilang anchor tuwing weekend pero sinibak na ito bilang field reporter.

Ang mga sikat namang DZMM anchor na kinabibilangan nina Anthony Taberna at Gerry Baja ay pumirma na ng kontrata sa DZRH habang si Vic Lim ay sa DWIZ.

Sa pinakahuling ulat sa TV5, umaaray umano ang ilang talent nito na may existing show dahil nasagasaan sa papasok na mga host mula sa Kapamilya network.

Hanggang Agosto 31 na lamang ang ilang empleyado ng ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.