Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Failure of election sa 2022 binasura ng Palasyo

0 54

Hindi kumbinsido ang Malacañang sa posibilidad na magkaroon ng failure of election sa darating na halalan dahil lamang sa implementasyon ng mga granular lockdown.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na alam na ng Commission on Elections (Comelec) ang gagawin sakaling mayroong lugar na ila-lockdown dahil sa COVID-19. Maaari aniyang i-reset lamang ang petsa para makaboto ang mga botanteng na-lockdown sa halip na isiping mayroong failure of election.

“We will answer that situation kapag nandoon na po tayo kasi alam naman po ng Comelec kung ano ang ibig sabihin ng failure of election. Ire-reset lamang ang petsa ng botohan kung mayroong pang mga areas na under lockdown pagdating ng 2022,” ani Roque.

Kumpiyansa rin ang kalihim na habang dumadami ang nababakunahan at makakuha ng sapat na proteksiyon ay tiyak na aayos din ang buhay ng mga Pilipino.

“Pero kampante po ako, kagaya ng sinabi ng ating mga dalubhasa habang dumadami ang mga nababakunahan, kapag nagkaroon po tayo ng population protection or containment, tingin ko naman makakapagbalik-buhay tayong lahat,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.