Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Faith imbiyerna sa mga impostora

0 186

NAGPASAKLOLO si volleybelle Faith Nisperos na kung sinuman ang may pakana ng pamemeke ng kanyang social media account ay i-report agad sabay tangging hindi sa kanya ang isang account na nagpapanggap na pag-aari ng balibolista.

Nag-ugat ito sa nadiskubre ng dalaga hinggil sa pangongopya sa kanyang account.

“Pls report this account, pretending to be me. This is not my account,” panawagan ni 21-anyos Faith sabay pakita ng pekeng FB account sa kanyang IG story.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa Facebook ay pineke rin ng hindi pa natutukoy na impostora ang Mobile Legends account ng Ateneo Lady Eagle.

“Also this. That’s not my ML username,” dagdag pa nito.

Hindi maipagkakailang sikat na sa mundo ng online si 5-foot-11 outside hitter Nisperos, saa ngayon ay kabilang si Faith sa pool ng PH women’s volleyball national team na lalarga sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.