Abante Tonite Interactive

Fajardo, 3 pa bida sa PSA Awards Night

By
142

Bibigyang parangal sina June Mar Fajardo, Jaja Santiago, Marck Espejo at Neil Etheridge sa SMC-PSA (Phi­lippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Peb. 26 sa Manila Hotel.

Tatanghalin muli si San Miguel Beerman Fajardo bilang Mighty Sports Mr. Basketball awardee.

Ito na ang panlimang panalo ni multi-titled Fajardo sa titulong ito dahil na rin sa kanyang PBA MVP awards at Best Player of the Conference ng Philippine Cup.

Kikilalanin bilang Ms. Volleyball si Santiago sa unang pagkakataon tapos mag-UAAP season 80 MVP, bahagi ng national team at unang Filipino import para sa Japan V. Premier League sa pagtitipong hatid ng MILO, Philippine Sports Commission (PSC), at Cignal TV .

Wagi rin si Marck Espejo bilang Mr. Volleyball sa pangalawang pagkaka­taon sa husay na ipinakita nang mag-UAAP MVP pati na rin sa pagiging import nito sa Japan para sa Otta Miyoshi Weisse Adler club sa okasyong suportado ng Philippine Basketball Association, NorthPort, Rain or Shine, ICTSI, SM Prime Holdings, at Chooks To Go.

Itatanghal naman si Neil Etheridge bilang 2018 Mr. Football matapos gumawa ng kasaysayan bilang unang Pili­pino at Southeast Asian na nakapaglaro sa English Premier League bilang goalkeeper ng Cardiff City.

Highlight ng awards night ang PSA Athlete of the Year Award kina weightlifter Hidilyn Diaz, golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go, at skateboarder Margielyn Didal.

Special guest speaker si Olympian at multi-awarded Beatiz Lucero-Lhuillier.