Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo, Aguilar babalik sa Gilas

0 313

Mas solido pa rin kung sasahugan ng PBA stars ang Gilas cadets sa mga international tournament ng FIBA.

Sa third window ng Asia Cup Qualifying at sa Olympic Qualifying sa June, plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na puro cadets ang isagupa.

Kabilang rito ang siyam na hinugot sa Gilas Special Draft nitong nagdaang dalawang taon.

Iba pa rin kung may mga June Mar Fajardo, Troy Rosario, Poy Erram, Japeth Aguilar, RR Pogoy sa lineup.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“For the bigger tournaments, I think we can find a way where we can inject the program, of course, with the best players in the country, the PBA players,” ani SBP president Al Panlilio Sabado sa Power & Play ni Noli Eala.

Isinulong ang Special Draft para ang mga mapipili ay ilalagay agad sa national team. Babalik sila sa PBA squads na nag-draft sa kanila kapag tapos na ang tour of duty sa Gilas.

Nitong nakaraang buwan, sina Jordan Heading, William Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab ang pinili sa Gilas draft.

Puwede rin ayon pa sa opisyal na maging mentor ang PBA stars sa mga bagong player. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.