Abante Tonite Interactive

Fajardo, Aguilar, Romeo, Castro, Blatche tatrangko alas ng Gilas

By
3,885

Laro ngayon
(Taipei Heping Gym)
7:00 pm Gilas vs Chinese-Taipei

Napaaga ang rebelasyon sa final 12-man roster ng Gilas Pilipinas na isasagupa ni coach Chot Reyes sa Chinese Taipei sa window 3 ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Mamayang gabi na ang bakbakan sa Taipei Heping Stadium.

Huwebes ay inihayag na ang lineup na pangu­ngunahan nina Jayson Castro at June Mar Fajar­do, kasama si naturalized center Andray Blatche.

Balik na rin sa team si Terrence Romeo, lumiban sa mga nakaraang laro ng unang dalawang windows dahil sa injury na nagpabakasyon din sa kanya sa PBA.

Balik din sina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Troy Rosario, Allein Maliksi, Jio Jalalon at Matthew Wright.

Mula sa 15-man pool na bitbit ni Reyes sa Taiwan, nalaglag sina Baser Amer, Carl Bryan Cruz at Gilas cadet Troy Rike.

Tinalo ng Filipinos ang Taipei 90-83 sa first window noong November sa Smart Araneta Coliseum.

May 3-1 win-loss record sa Group B ang Pilipinas, ihu-host ang Australia sa July 2 sa Philippine Arena sa Bocaue.

Nasa 1-3 ang Chinese Taipei, nangangailangan ng isang panalo pa para umusad sa next phase.