Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo balik Gilas, Castro talsik

0 323

Ngayong may go signal na sa pagbabalik 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa April 9 mula sa kay renowned orthopedic surgeon Dr. Raul Canlas, nangangamoy rin ang Gilas Pilipinas return ni June Mar Fajardo.

Hindi isiniwalat ni PBA Commissioner Willie Marcial ang 29 player request ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa PH 5 sa International Basketball Feeration (FIBA) Asia Cup qualifying window three sa Angeles, Pampanga sa February 18-22.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero isang source ang nagsabi na kabilang ang 31-year-old, 6-foot-10 Cebuano native lalo’t may mga post na siya sa social media na magaling na at nagwo-workout na rin makaraan ang nakalipas na taong pagkatengga dahil sa broken shin.

Ang injury ni Fajardo ang pumigil sa kanya sa unang dalawang window nitong February sa Jakarta at Manama nitong November. Huli siyang nag-Gilas sa 2019 PH SEA Games.

Wala sa 29 players si Gilas mainstay Jayson Castro na kinumpirma naman ni TNT physical therapist Dex Aseron nitong Huwebes na mamamahinga ng isang buwan pagkasailalim ng operasyon sa bone spurs sa dalawang tuhod sa susunod na linggo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.