Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo asinta ng B.League

0 170

Hangad B-League na nasa pang-anim na taon ang edisyong 2021-22 na makilala bilang ng National Basketball Association (NBA) ng USA para sa Asia kaya pinagsasama-sama ang mga mahuhusay na basketball player sa kontinente.

Ito ang napag-alaman sa ilang mga beteranong agent at manager ng mga basketball player matapos malaman na ilang koponan sa B.League ang patuloy na umaasinta ng mga astig na basketbolista para maging Asian import.

Hindi natatapos ang pagkuha ng liga kina Philippine Basketball Association players Kiefer Isaac Ravena, Bobby Ray Parks Jr. at PBA prospect Kobe Lorenzo Paras. Nakatuon pa sa ilang mga star tulad nina June Mar Fajardo at Christian Jaymar Perez ng San Miguel Beer, Japeth Paul Aguilar at Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra San Miguel, Robert Bolick ng NorthPort at iba pa.

Ayon pa sa isang agent na tumangging magpapangalan, nasa P2M kada buwan para sa unang taon ang alok ng bawat B.League team, P2.8M para sa pangalawa at P3.5M sa pangatlong taon na lubhang tukso sa mga alaga nila. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.