Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo backup hanap ni Austria

0 326

Naghahanap pa ng malaki ang San Miguel Beer pampuno sa puwesto sa gitna ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Sa susunod na buwan pa makakapag-ensayo ang 31-year-old, 6-foot-10 Cebuano, pero siniguro ni Beermen coach Leo Austria na hindi pa totodo.

Nag-re-rehab na sa nabaling alulod noong February 2020 si Fajardo, pero naimpeksiyon naman noong December kaya tengga ulit.

Ngayon ay nakakalakad na aniya ang prized center, pero kung makakabalik ay sa dulo na ng eliminations ng 46th season o 2021 Philippine Cup, o sa playoffs kung papasok ang team.

Target ng liga na umpisahan ang Season 46 sa April 18, pero na- postpone uli dahil sa paglagay ng Inter Agency Task Force sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa enhanced community quarantine sanhi sa pagtaas ng kaso ng virus.

SM food to go Banner Ad

May panahon pa para mahanap ng SMB ang big.

Nag-retire na rin si Billy Mamaril, kaya manipis ang ilalim ng Beer.

“Mo Tautuaa, Arwind Santos and Daniel de Guzman lang bigs namin ngayon,” pag-amin ni Austria. “We’re hoping na may darating, probably from among those released by the other teams, pero sa ngayon wala pa.”

Puntirya ng team na mabawi ang all-Pinoy title na hinawakan din ng limang sunod na season bago napahulagpos sa 2020 bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.