Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo balik hardcourt na

0 112

Balik na sa hard court at nakakapag-shooting na si San Miguel Beer stalwart June Mar Fajardo matapos ang halos walong buwan na pagkakagarahe dahil sa shin injury.

Makikita sa kanyang YouTube channel na AHOS Gaming, may pamagat na “Finally! Nakabalik na rin sa court!” na nagsu-shooting mula sa perimeter at three-point area ang 30-year-old, 6-foot-10 slotman.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sumailalim na sa isang surgery ang six-time Most Valuable Player at eight-time champion ng Philippine basketball Association (PBA) nang mabalian ng alulod noong Pebrero.

Pero kahit mukhang puwedeng isabak na sa aksyon, walang si Fajardo sa 15-man lineup ng Bermen para sa 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations bubble sa Clark Freeport, Pampanga simula sa Oktubre 11. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.