Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo bawal pang maglaro

0 115

Ibinahagi ni Leovino ‘Leo’ Austria na hindi parin makakalaro para sa San Miguel Beer si June Mar Fajardo sa oras na magsimula ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup kahit naurong sa Oktubre 11.

Nagtamo ng shin injury ang 6-time Most Valuable Player at hindi pa nabibigyan ng clearance ng kanyang doktor upang muling makalaro kahit patuloy pang nag-re-rehab.

Ipinunto pa ng Beermen coach sa kanyang pagbisita sa Sports Page nitong Miyerkoles, “Besides kung puwede naman talaga, hindi pa rin talaga siya paglalaruin ng management.”

Bukod dito, hindi pa nakakapunta 30-year-old, 6-foot-10 Cebuano center at eight-time champion sa workout sessions ng Beermen sa Acropolis Gym sa Libis, Quezon City.

Ganun pa man, tiwala naman ang bench tactician na magdedeliber pa rin ang Beermen sa restart ng Philippine Cup eliminations sa NBA-style bubble sa papasok na buwan Clark City sa Angeles City, Pampanga.

“The good thing is the players realized we will play without June Mar, so everybody’s commitment is there,” panapos na ni Austria. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.