Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo, Beermen babawiin trono

0 48

UMAASA ang San Miguel Beermen na sa pagbabalik ni six-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo ay muli nitong maaangkin ang pinakaprestihiyosong korona sa dalawang titulo na nakataya ngayong taon sa pagbubukas ng ika-46 edisyon ng Philippine Basketball Association (PBA).

Naputol ang mahabang panahon na pagiging All-Filipino champion ng mga Beermen sa nakalipas na Clark bubble matapos na agad itong mapatalsik sa unang playoff round pa lamang.

Kaya naman hangad ng San Miguel Beermen na maibalik ang nabitiwan nitong trono sa pagbabalik ni Fajardo, gayundin ni Terrence Romeo at sa tulong ng nakuha nito mula sa trade na si Christian Jaymar “CJ” Perez.

“We are all excited and we are all eager to give the PBA fans what they truly deserve, so God willing, let the PBA games begin,” saib ni SMB team manager Gee Abanilla na aasa din sa mga beterano na sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tahimik lamang si Beermen coach Leo Austria na ayaw maikonsidera ang kanyang koponan bilang top favourite sa korona dahil inaasahan nitong dadaan sila sa butas ng karayom para sa inaasam na titulo.

Gayunman, hindi din maiiwasan ang hamon ng ibang ball clubs na nagpalakas ng kanilang lineup sa pagkuha ng mga kailangan nitong malalaro sa mas napahaba na offseason.

Isa na dito ang NorthPort na bibitbitin ang dating sentro ng Gin Kings na si Greg Slaughter habang ang Magnolia ay nakuha si Calvin Abueva, nasa Meralco na si Mac Belo habang ang Phoenix Pulse ay nagpatatag sa serbisyo ni Vic Manuel at ang TNT ay makakasama muli si Kelly Williams. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.