Abante Tonite Interactive

Fajardo, Belga magaling na,handang makipagrambulan

By
259

Magaling na buhat sa mga injury ang 2 sa big man ni national coach Yeng Guiao na sina June Mar Fajardo at Beau Belga kaya todong makikipagbakbakan para sa Team Pilipinas katapat ng Kazakhstan ngayon.

“100% percent na ko sa game. Mailalabas na ang tunay na ‘The Kraken’,” bulalas ni Fajar­do ng San Miguel Beer kahapon. Pero ‘di pa niya batid kung paano siya gagamitin – kung starting 5 o off the bench, depende sa diskarte ni Guiao.

Hinirit ng 29-year-old, 6-foot-10 Cebuano na, “‘di ako nai-inti­midate sa mas malalaki sa akin. Nasanay na rin ako sa Gilas na nag-FIBA World Cup na. Nakalaban na rin ako nang malalakas at malalaki dati.”

Sinegundahan ni Belga ang national teammate at nangako ring maibibigay na ang buong porsiyento mula sa paggaling niya rin sa injury.

“Healed na ako from injury. I’m just here to guide me some other guys and do whatever I can. Kilala naman ako ni coach Yeng whenever he uses me in the game nagdedeliber naman ako,” aniya.