Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo kursunada ng Fil-Aussie

0 134

Isa sa mga dapat abangan na malalaki sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa March 14 si 6-foot-9 James Laput na handang magpakita ng tikas sa pro league.

Pero kung ang dating one-and-done big man ng La Salle Green Archers ang tatanungin, hangad niyang makatapat ang singtaas na si six-time league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

“My idol is June Mar [Fajardo] and I want to play against him. That has been my dream. It’s like Kobe (Bryant) wanting to play against MJ (Michael Jordan). I want to do that. I want to battle June Mar. So I just hope I won’t be drafted by the team where Jun Mar plays. But of course, getting drafted by SMB is a blessing,” lahad ni Laput Biyernes sa PBA.ph.

Muntik nang maagang magwakas ang playing career ni Laput nang magka-spine injury dahilan na mapaikli ang kanyang collegiate sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) para sa Taft-based squad .

Ngunit sa kabutihang palad, muling nakapaglaro ang Fil-Aussie sa Marinerong Pilipino sa 10th PBA D-League 2020 at Big Boss Cement Green Gorillas-Porac sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Sa huhugot sa kanya sa nalalapit na draft, “I just wanted to be with a team that sorely needs a big man.. maybe a team like Meralco or Magnolia. I think it would be fun to be able to play with those teams and learn from the veterans, and at the same time do what I need to do to help the team.”. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.