Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo bet na rumaket

0 322

Kung si TV host Willie Revillame may palibreng jacket, si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer naman ay may pa-sweater sa publiko.

Ibinahagi Martes ng 31-taong-gulang, 6-10 ang taas at tubong Campostela, Cebu sa kanyang social media post na available na sa masa ang Sports Sweatshirt na binebenta niya.

“Our Kraken Sporty Sweater will be available this week! Follow our Kraken instagram @k15apparel and our FB page at Kraken Apparel PH for more updates,” pag-promote ni ‘Abay’.

Nitong Abril lang binuo ng six-time pro league MVP ang sariling merchandise kung saan ipinangalan sa kanyang alyas sa liga na ‘The Kraken’.

SM food to go Banner Ad

Karamihan naman sa mga fan ni Fajardo ay interesado sa nasabing sweatshirt.

Habang hindi pa nakakabalik sa court nang magka-injury noong 2020 February at matengga sa nakaraang taong Philippine Cup sa Clark bubble, magandang sideline ito para sa eight-time PBA champion.

Sa ngayon nagpaprakraktis naman na ang SMB slotman sa Batangas sa paghahanda ng Beermen sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na balak buksan sa huling linggo ng June o unang linggo ng July.

Pero hihinay-hinayin lang muna siyang gamitin sa aksiyon ni coach Leovino ‘Leo’ Austria upang ‘di mapuwersa. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.