Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo Bridge sa Maynila papalitan

0 198

Isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa motorista ang J. Fajardo Bridge sa Manila para sa 7 buwang konstruksyon nito.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magiging epektibo ito sa Lunes, Pebrero 1. Sisimulan ng private contractor ng DPWH ang demolisyon sa buong tulay para palitan ng bago. Target itong matapos sa Setyembre ngayong taon.

Pinayuhan na ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.