Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo, De Ocampo may nakaraan – David

0 219

Sa karakas pa lang, nakikini-kinita na ni dating PBA player Gary David na magiging isang magaling na coach ang riva pero tropa niyang si Ranidel de Ocampo.

Noon pa lang ay napagmamasdan na aniya niya ang kilos at galaw ng 38-anyos na ngayo’y assistant coach ng TNT.

“Nakita ko na magiging coach si Ranidel. Sa practice pag nandun kami, talagang ina-analyze niya yung game,” pahayag ni ‘El Granada’ Huwebes sa Sports Page.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maging si 6x-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer ay hinubog din niya at ‘di rin pinagdamot na ipamahagi sa mga bagets ang kanyang mga nalalaman.

“Nagtuturo rin siya sa mga kabataan, sa mga batang player lalo na si JuneMar. Tinuruan ‘yan ni pareng Ranidel sa post,” aniya pa.

Sa ngayon bilang kasangga ni coach Ravena Ravena Jr. wala pang talo sa apat na laro ang Tropang Giga sa PBA bubble. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.