Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo handa nang manalasa

0 46

Malapit nang magbukas ang 46th season ng PBA, makakabalik na rin ang higante ng San Miguel Beer na si June Mar Fajardo.

Siya ang pinaka-dominanteng player ng pro league sa nakalipas na dekada – anim na sunod na MVP awards ang hinamig mula 2014.

Nawala lang sa eksena ang Cebuano sa nakaraang season nang abutin ng fractured shin sa ensayo noong February 2020.

Natapos din sa lima ang sunod-sunod na paghahari ng Beermen sa Philippine Cup, sa first round ng playoffs lang sa Clark bubble ay sinipa na ng Meralco.

December ay okay na ang rehabilitasyon ni Fajardo sa Cebu, pero minalas na inabot ng impeksiyon.

Naurong ang umpisa ng season, nagkaroon ng mas mahabang panahon ang 6-foot-10 center para maka-recover.

Nang payagan ng IATF ang scrimmages noong May, nakasama na si June Mar bagama’t hinay-hinay pa lang.

Ngayon ay mukhang handa na muling manalasa ang The Kraken.

“June Mar is ready to go,” pahayag Lunes ni SMB team manager Gee Abanilla sa PBA Rush. “Of course, he’s not yet 100 percent but he has joined the team’s 5-on-5 practices and looks good.”

Dadahan-dahanin ni coach Leo Austria ang balik ni Fajardo, si Mo Tautuaa muna ang tatao sa gitna para sa Beermen. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.