Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo hindi iiwan Pilipinas

0 170

Papunta pa lang sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school team (Fairleight Dickinson University Knights) si Ella Patrice Fajardo, pero sinigurado na niyang hindi niya tatalikuran ang paglalaro sa Gilas Pilipinas.

“Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that that’s my blood, that’s my country… That’s why I feel like I’m gonna hover back to the Philippines because I think that’s where my heart is,” lahad ng 17-year-old, 5-foot-6 Fil-Am cagebelle sa Bolero Sports vodcast nitong Sabado.

Siya ay nag-Nationals na quarterfinalists sa Mongolia 7th International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Under-18 World Cup 2019 at sa nag-bronze medal finish sa Malaysia 5th Fiba Asia Cup for Girls U18 2019.

Pangarap aniyang mapunta rin sa hinaharap hindi lang sa PH quintet kundi sa unang pro league sa ‘Pinas, ang Women’s National basketball League (WNBL) na nakatakdang dumribol sa papasok na taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.