Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo ireresbak SMB sa TNT

0 68

Semis Game 2 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3 pm – TNT vs San Miguel
6 pm – Magnolia vs Meralco
(TNT, Magnolia lead series 1-0)

Nalimitahan si TNT top rookie Mike Williams sa 7 points lang sa Game 1 ng PBA Philippine Cup semifinals kontra San Miguel Beer noong Linggo.

Pero nangulit si RR Pogoy ng 23 points, umayuda ng 15 si Poy Erram at 14 pa kay Troy Rosario at napreserba ng Tropang Giga ang 89-88 win sa laro na nagkatalo sa huling posesyon.

Sa Beermen ang posesyon sa final 10 seconds, umatake si Marcio Lassiter pero kumabyos ang tira na binulabog nina Pogoy at Erram.

Tinampukan ng 6 lead changes at 3 deadlocks ang laro na walang lumamang ng higit 12 sa magkabila, huli 69-57 sa Tropang Giga.

Pero nakabalik ang Beer.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa last defensive stand, nangulit lang ang TNT at bahala na si Batman sa mangyayari.

“We just said we play our straight-up defense the best way we can and see what happens,” ani coach Chot Reyes. “Challenge whatever shot it is and let’s not foul, and then it’s important to get five guys to rebound.”

Wala si starting big man Kelly Williams (health and safety protocols), umasa si Reyes kina Rosario, Erram at Dave Marcelo para pigilin si SMB center June Mar Fajardo.

Nanalasa pa rin ang 6-foot-10 center ng 13 points at 11 rebounds, pero tig-6 sila ng kapwa big na si Mo Tautuaa sa 23 turnovers ng SMB.

“Kailangan ma-minimize turnovers, and second-chance points nila,” ani SMB coach Leo Austria.

Sumabay ng 23 points si CJ Perez, may 12 points pa si Arwind Santos sa Beer. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.