Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo kayod sa SMB praktis

0 307

Nakumpleto ni six-time Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo ang unang buong praktis kasama ang mga teammate ng San Miguel Beer Huwebes sa Batangas City.

Ito ang kinumpirma ni Beermen manager Gelacio ‘Gee’ Abanilla Biyernes bilang paghahanda ng koponan sa 46th PBA Philippine Cup na planong buksan sa June 15 via closed-circuit type sa ihahayag pang playing venue.

Unang pagkakataon naki-join ang 31-tong-gulang, 6-10 ang taas at tubong Campostela, Cebu sa face-to-face practice sapul nang magbukas ang 45th season PH Cup noong March 2020 kung saan nanood lang siya sa sidelines habang kalaban ng San Miguel ang Magnolia Pambansang Manok at manalo.

Related Posts

Ginanap iyon sa Big Dome sa Quezon City na opening game, pero last game ng import-less opening conference bago nag-lockdown sa bansa sa pagsambulat ng COVID-19.

Natuloy ang all-Pinoy noong October-December sa Clark bubble kung saan pinalitan sa trono ang five-peat champ SMB ng Barangay Ginebra San Miguel.

“Okay naman siya as reported to me,” matipid na tugon ni Abanilla sa lagay ng basketbolista.

Inaasahang makakabalik na rin buhat din sa injury gaya ni Fajardo si Terrence Romeo. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.