Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo malapit na mambarako

0 91

Gusto nang maglaro ni June Mar Fajardo, pero sasamantalahin ang layoff ng PBA para mapaghilom nang husto ang fractured shin.

“May more time makabalik,” anang San Miguel Beer center nitong Martes.

February sa ensayo ilang araw bago ang opening ng 45th season 2020, nabalian ng kanang alulod ang 31-year-old, 6-foot-10 slotman.

Hindi na siya naglaro, pinaoperahan ang paa at ginuguol ang mga sumunod na buwan sa rehabilitasyon.

Naka-single-seater e-trike, tinanggap ni Fajardo ang sixth-straight MVP award niya sa opening night noong March 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makalipas ang tatlong araw, tinigil ni commissioner Willie Marcial ang laro dahil sa coronavirus.

Nakabalik ang Philippine Cup sa Pampanga bubble noong October, napaaga ang exit ng Beermen sa quarterfinals at hindi naipagtanggol ang korona ng Philippine Cup na limang sunod na season nilang hawak.

April pa inaasahang sisiklab ang 46th season, itataon na sa anibersaryo ng liga.

“Magiging mahaba-haba ‘yung time na makapag-practice, makuha kumpiyansa ko ulit. ‘Yung galaw,” dagdag ni Fajardo, na nasa kanilang bayan sa Pinamungajan, Cebu at malamang late January magbalik-Maynila.

Naghilom na ang shin bone, pero minsan ay may nararamdaman pa rin aniya.

“Nagta-tight ng konti, pero release-release lang,” aniya. “Once na napainitan na, okay na. Nawawala rin.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.