Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo mambabarako kina Rosario, Marcelo

0 69

Semis Game 5 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3 pm – Meralco vs Magnolia
(Hotshots lead series 3-1)
6 pm – SMB vs TNT
(series tied 2-2)

Pagkatapos ng apat na laro, back-to-zero ang PBA Philippine Cup semifinals series ng San Miguel Beer at TNT.

Balik ng Don Honorio Ventura State University gym ang magkaribal para basagin ang 2-2 deadlock sa second game ngayong araw.

Nambarako si Mo Tautuaa ng 25 points noong Linggo nang tambakan ng Beermen ang Tropang Giga 116-90.

“Next game is really important, pivotal, so our opponent is expected to step up big-time,” giit ni SMB coach Leo Austria.

Game-time decision si TNT center Poy Erram na nasa ilalim ng concussion protocol ng liga.

Hindi natapos ng dating Defensive Player of the Year ang Game 4, dinala sa ospital matapos madiin ang ulo sa court nang madaganan ni Tautuaa habang nag-uunahan sa loose ball sa second quarter.

Wala pa ring kasiguruhan kung makakapaglaro na si Kelly Williams, tulungan sina Troy Rosario at Dave Marcelo para pigilin ang six-time MVP ng Beermen na si center June Mar Fajardo.

Kailangan ding bumalik ang tibay ng pulso ni RR Pogoy para may ipantapat ang Tropa kay Terrence Romeo. Noong huli ay 1 of 10 lang sa field si Pogoy. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.