Abante Tonite Interactive

Fajardo: Maraming expert sa socmed

0 476

Finals Game 5 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — TNT vs.
SMB (Series tied 2-2)

Puno ng intensidad at emosyon ang unang apat na laro ng PBA Commissioner’s Cup Finals, pero inaasahan na ‘yun mula sa magkaribal na TNT KaTropa at San Miguel Beer.

Tabla ang best-of-seven sa 2-2, babalik ng Smart Araneta Coliseum ang dalawa para magbasagan sa Game 5 mamayang alas-7:00 ng gabi.
Kung tutuusin, para kay Beermen coach Leo Austria ay ‘mild’ pa ang kontakan sa series.

Nauwi sa best-of-three ang duwelo, asahan ang mas maigting pang susunod na mga laro.

“I don’t think this is a very physical game,” ani Austria tapos ng series-tying 106-101 win nitong Linggo. “Mas physical pa nga ‘yung semifinals (versus Rain or Shine).”

Kailangan lang daw kontrolin ang emosyon sa loob, iwas technical foul o mas malala ay ejection.

Sa Game 1 at 2, nabasag ang bibig ni SMB guard Chris Ross, nabiktima pa ng headbutt. Parehong galing kay TNT import Terrence Jones.

Si Jones, inuurot. Ang kanyang braso, binaltak pa ni Christian Standhardinger.

Punto ng coach, sa huling laro ay walang pisikalan.

“Just like last game, walang physicality du’n. ‘Di ina-allow. Konting dikit, foul,” aniya. “Ang masama lang du’n, konting dikit namin foul.”
Ang masama lang daw, ang talo ay may kasunod na reklamo.

“If one of the team losses, you will hear negative things na mga comments. That’s normal, in this kind of world, especially in the social media, may kanya-kanya. Lahat ‘yan partisan, eh,” dagdag ng seven-time champion coach.
Wala na raw silang magagawa sa mga usapan sa social media.

“Lahat ng may access sa internet, expert,” pakli ni June Mar Fajar­do na sinundan nila ng tawa ng coach. (Vladi Eduarte)