Abante Tonite Interactive

Fajardo, McCullough nambarako sa Cdo pakners!

347

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30pm — Alaska vs Blackwater
6:45pm — Ginebra vs Columbian Dyip

Nagtulong sina 5-time reig-ning MVP June Mar Fajardo at import Chris McCollough upang bitbitin ang San Miguel Beer sa importanteng panalo sa pagtakas ng 89-87 pagwawagi kontra Rain or Shine Elasto Painters sa out-of-town na laro ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro.

Ibinuhos ni Fajardo ang anim sa kanyang kabuuang 23 puntos sa laro habang lima naman kabilang ang isang tres sa 24 puntos ni McCollough ang iniambag sa natitirang 3:58 minuto ng huling yugto upang itulak ang Beermen sa ikatlong sunod na panalo at kabuuang 5-5 kartada.

Nagtala si Mccullough ng 24 puntos, 17 rebounds, 4 assists, 1 steal at 6 blocks habang si Fajardo ay may 23 puntos, 15 rebounds, 1 assist at 3 blocks.

Huling naging dikit ang labanan sa 84-82 sa 2:16 ng ikaapat at hu-ling yugto bago nagawang ipasok ni McCollough ang isang tres na sinundan ng jumper ni Fajardo na nagbigay ng pitong puntos na abante sa Beermen 89-82, may 1:08 na lang sa laro.

Nagawa pang dumikit ng Rain or Shine sa 89-87 at nakuha pa ang bola sa natitirang 0.5 segundo ng laro bago na lamang sumablay si Beau Belga sa isang tres upang mahulog ang Elasto Painters sa 5-6 record. (Lito Oredo)