Abante Tonite Interactive

Fajardo nagrelaks sa beach

438

KAHIT ang isang higanteng tulad ni June Mar Fajardo, kailangan din ng pahinga.

At mas kailangan na magkaroon ng tahimik na oras kasama ang pamilya.

Pagkatapos ng nakakapagod na title run ng San Miguel Beer sa midseason PBA Commissioner’s Cup, nag-report sa Gilas Pilipinas ang 6-foot-10 center.

Sumama siya sa nakakapiga ring kampanya sa 2019 FIBA World Cup sa China, bagama’t umuwing bokya sa limang laro.

Bago hinarap ang Serbia sa group stage, inabot ng ankle injury si Fajardo.

Ayon kay SMB coach Leo Austria, ‘unplayable’ na raw ang kondisyon ng kanyang center sa mga sumunod na sabak sa China.

Pero lumaro pa rin si Fajardo, nag-poste ng averages na 7 points at 5 rebounds.

Pumunta na siya sa praktis ng SMB noong Miyerkoles, pero pinagpahinga muna siya ng management.

Mukhang hindi na nga siya sasama sa Beermen na dadayo ng Macau para sa East Asia League Terrific 12 sa Sept. 17-22.

Kaya nagkaroon ang Cebuano ng pagkakataong magbakasyon kasama ang pamilya.

Sa posts ni June Mar sa Instagram, mukhang sa beach sila nagpuntang mag-anak.

Sa isang photo ng kanyang mga magulang, nilagyan ni June Mar ng caption: “Good morning!! Mama ug Papa, tag 4 letters ra pero grabe and sakripisyo ug pagpangga para sa amoa ni @jayfardz. Salamat ninyong duha! Inyong kalipay among kalipay mao smile mo pirmi.”

Sa isa pang sama-sama sila ay simpleng “Family!” na may heart emoji ang nilagay niya. (VE)