Abante Tonite Interactive

Fajardo naka-6 ng sunod na BPC

448

Walang nakapigil kay June Mar Fajardo sa pagsikwat ng PBA Philippine Cup Best Player of the Conference award.

Idinagdag ito ni Fajardo sa unang pitong koleksiyon niya ng BPC trophies.

Bukod sa statistical leader, ang San Miguel Beer center din ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa media, players at PBA para pahabain ang kanyang league record na six straight BPCs sa import-less tournament.

Unanimous No. 1 choice si Fajardo ng media at players tungo sa 555 points. Kasama ang 150 points bilang top vote-getter at 460 statistical points, humamig ng 1,165 total ang 6-foot-10 Cebuano.

Malayo sa likod niya si Sean Anthony ng NorthPort (641, at si Roger Pogoy ng TNT (522).

Kinumpleto nina Batang Pier teammates Stanley Pringle (473) at Mo Tautuaa (380) ang top five.

Higit sa individual award, mas importante kay Fajardo ang titulo.
Lumakas din ang tsansa ni Fajardo sa pang-anim na sunod niyang season MVP award, kung sakali ay hahaba pa ang kanyang league record.(Vladi Eduarte)