Abante Tonite Interactive

Fajardo, National squad bubuwelta vs Luzon team

By
1,155

Ibabangon ng Smart National Team ang nasagasaan nilang pride nang hiyain ng Mindanao Selection 144-130 sa Davao del Sur Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Pero siguradong mahihirapan pa rin ang Nationals pagdayo ng second leg ng PBA All-Star sa Batangas City Coliseum mamayang gabi.

Mas tigasin ang Luzon squad ni Leo Austria na isasagupa sa PHL team ni Yeng Guiao sa event na hatid ng Phoenix Fuel with Pulse Technology.

Abante Hiring – IT dep

Sina Gilas mainstay Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Jayson Castro at Matthew Wright, isasahog muna sa Luzon team kasama sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, LA Tenorio, Paul Lee, Stanley Pringle, Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Si June Mar Fajardo ang magdadala sa laban ng Nationals, kasama sina Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.