Abante Tonite Interactive

Fajardo, Pringle gitgitan sa MVP race sapawan!

By
0 771

Binigyan ni Stanley Pringle ng magandang laban si June Mar Fajardo sa MVP race ng PBA 2017-18 season.
Naka-dalawang laro lang sa San Miguel Beer si Fajardo ngayong ­Governors’ Cup kaya bumaba ang stats sa paghahabol sa record na panlimang sunod niyang MVP plum.

Bumaba sa No. 2 ng statistical race ang 6-foot-10 center, sa likod ng Fil-Am guard ng NorthPort na si 2015 Rookie of the Year Pringle.

Nakalikom si Pringle ng 35.5 cumulative average na 35.5 points kumpara sa 33.2 ng The Kraken.

Stats leader buong season si Fajar­do bago nagpahinga dahil sa stress fracture ng alulod. Sa dalawang laro lang sa season-ending conference, may statistical points average si ­Fajardo na 11.00.

Malakas pa rin ang laban ni ­Fajardo dahil siya ang Best Player of the Conference ng Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Pumapangatlo sa karera si Japeth Aguilar (32.9) ng Ginebra, kasunod sina Sean Anthony (31.3) ng Batang Pier at Scottie Thompson (30.8) ng Gin Kings. Sa pagsampa sa top 5 ay malakas na kandidato si Thompson sa Most Improved Player award.

Kumumpleto sa top 10 sina Matthew Wright (30.6) ng Phoenix, SMB stars Alex Cabagnot (30.2), Arwind Santos (30.0) at Marcio Lassiter (29.9), at Vic Manuel (29.0) ng Alaska.

Gitgitan naman sa Rookie of the Year ang dalawang produkto ng La Salle na sina Jason Perkins (23.4) ng Phoenix at Jeron Teng (18.3) ng Aces.

Nawala na sa karera sina top pick Christian Standhardinger ng SMB at No. 2 selection Kiefer Ravena ng NLEX dahil hindi nakatugon sa required number of games na dapat ilaro sa buong season.