Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo puwede sa April – Austria

0 147

Pinawi ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pagliban ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa February.

Tiniyak ng San Miguel coach na sure ball naman ang pagbabalik ng six-time pr league MVP sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na mag-o-open sa April 9

Ibinahagi ang kaganapan ng veteran cage mentor sa Tiebreaker Vods’ Coaches Unfiltered nitong isang araw, na makakalaro ang 31-year-old, 6-foot-10 center, batay narin sa pagsusuri ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.

Missing-in-action rin sa nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchiose player ng Beer dahil sa leg injury noong February.

“Before the holidays I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” lahad ng 62-year-old bench tactician.

Dinuong pa niyang, “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.