Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo rarambol sa balik-PBA

0 287

Sumama na rin si June Mar Fajardo sa biyahe ng San Miguel Beer sa Pampanga.

Nag-check in ang Beermen sa Quest Hotel sa Clark Lunes ng hapon.

Nagdadalamhati pa ang player sa biglaang pagkamatay ng ina niyang si Marites. Aminadong Mama’s Boy ang 6-foot-10 center, hindi nakauwi ng Cebu dahil nataon sa travel ban bunga ng ECQ sa Metro Manila.

Ipinaubaya ng SMB sa six-time MVP ang desisyon kung lalaro na sakaling mag-umpisa ang restart ng PBA Philippine Cup sa Bacolor.

SM food to go Banner Ad

“Tama ‘yung desisyon niya na sumama siya, kasi malulungkot lang siya,” pahayag ng teammate at kaibigan ni Fajardo na si Arwind Santos matapos makapasok sa hotel. “Niyakap ko nga kanina, nakangiti kaagad, eh.”

Namatay rin ang ina ni Santos noong 2016 kaya ramdam ang kaibigan.

“Ganoon naman tayo. ‘Pag wala kang kaibigan d’yan, mag-isa ka lang sa kuwarto mo, lahat ng kalungkutan maiisip mo talaga,” dagdag ni Santos, MVP noong 2013. “Pero kung nandiyan mga teammate mo, lahat makukulit ‘yan, siyempre malilibang ka.”

Nasa fourth place sa standings ang Beermen sa 3-1 card nang suspendihin ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig mula Aug. 4. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.