Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo sabik makasama ang kanyang mga fan

0 292

Bola, court, teammates, coaches, fans.

‘Yan ang mga nami-miss ni June Mar Fajardo habang hindi makalaro.

Kanselado ang PBA dahil sa coronavirus pandemic, tengga rin ang San Miguel Beer slot man dahil sa shin operation. Nabali ang alulod ni Fajardo sa ensayo noong February.

“’Yung interaction with fans,” sagot kahapon ng 6-foot-10 Cebuano sa tanong kung ano ang nami-miss niya habang malayo sa court.

“Siyempre, miss ko na rin ‘yung makasama teammates ko sa court, ‘yung coaches, utility, ‘yung physical contact sa kanila. … Pero nakaka-miss talaga ‘yung makasama, makahalubilo fans. ‘Yun ang miss na miss ko talaga.”

Nag-lockdown dahil sa COVID-19, sa bahay na din pumirme si Fajardo. Kahit matuloy ang balik ng PBA sa September o October, hindi na rin muna siya lalaro. Sa isang taon na ang balik niya

Huli siyang nakita ng publiko noong March 8, opening night sa Smart Araneta Coliseum nang tanggapin ang record sixth straight MVP award. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.