Abante Tonite Interactive

Fajardo, San Miguel lalagok ng unang ‘W’

By
1,350

Team Standings
(PBA Commissio­ner’s Cup)
W – L
Rain or Shine          5 – 1
Alaska                        4 – 1
TNT KatRopa        4 – 1
Magnolia                  3 – 1
Meralco                    3 – 2
Phoenix                    3 – 2
GlobalPort              3 – 3
Columbian Dyip  3 – 3
Ginebra                    1 – 3
NLEX                         1 – 4
San Miguel             0 – 3
Blackwater            0 – 6

Mga Laro Ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – NLEX vs. Blackwater
7 pm – Phoenix vs. SMB

Wala pang naipapanalo sa tatlong laro ang San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup, susubukang itagay ng defending champions ang unang ‘W’ laban sa Phoenix sa nightcap mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Sa curtain raiser ay magsasagupa ang Kiefer Ravena-less NLEX (1-4) at winless Blackwater (0-6) na may bagong import kay Henry Walker kapalit ni Jarrid Famous.

Umaasa sina All-Stars June Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Ross na pagkatapos ng midseason break ay darating na ang breakthrough win.

“Parating na ‘yan,” giit ni Fajardo.

Bago ang break ay humirit ng panalo ang Fuel Masters, biniktima ang Ginebra 103-98 noong May 20 sa Big Dome din para iangat ang baraha sa 3-2.

Ginamit ni coach Louie Alas ang 10-day All-Star break para ipahinga ang mga bataan.

“Sana nga one-day off lang kami, bibigyan ko na ng two days off, then in between hanggang sa (May) 30, magbibigay ako ng isa pang off para fresh naman kami kasi San Miguel na kalaban mo diyan,” ani Alas.