Abante Tonite Interactive

Fajardo, San Miguel umalpas sa Magnolia

276

STANDINGS
TEAMS W L
Talk ‘N Text 5 0
San Miguel Beer 4 0
NLEX 4 1
Meralco 3 1
Magnolia 3 1
Columbian 3 2
Phoenix Pulse 2 4
Blackwater 1 3
Barangay Ginebra 1 2
NorthPort 1 4
Rain or Shine 1 4
Alaska Milk 0 5

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Phoenix Pulse vs NorthPort
6:45 pm – Talk ‘N Text vs Meralco

Tinakpan ni June Mar Fajardo ang 6 turnovers niya sa tig-16 points at rebounds para hiranging best player nang pangunahan ang grand slam-seeking San Miguel Beer sa paglusot sa Magnolia Pambansang Manok, 90-89, sa siyapulan sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup eliminations Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Layup ni Dezmine Wells ang naging fil tally na dahil ‘di na nakapagsalpak sa mga sumunod na posesyon ang magkabilang panig, kabilang ang pampanalo sana pero sablay na jump shot sa buzzer ni Andy Mark Barroca.

Si Wells ang bumuhat sa fourth straight win ng SMB sa 33 markers, 7 boards, 5 dimes at 4 steals na lumagare sa tatlong ragasa ng Hotshots. Tagpong naglagak sa San Miguel na kapitan ang segundo at pasaluhin ang biktima sa Meralco sa 4th spot sa 3-1.

“I know from the start that this will be hard one for us. Luckily, the players refuse to lose. The players show their energy come the middle of the third period and the defense we provided gave us a lot of opportunity. We didn’t get a lot of breaks in the crucial seconds,” litanya ni Beermen coach Leo Austria.

Nasayang ang 31 pts., 12 rebs. at 4 stls. ni Romeo Travis sa Magnolia, at 22 puntos ni Paul Dalistan Lee.

Tinarak ng Hotshots ang limang puntos na abante sa unang yugto, 11-5, bago napag-iwanan sa sumunod na quarter tapos na umarangkada ang Beermen na inagaw ang manibela at lumayo ng 11 puntos, 34-23.

Limang beses na agad nagkapalitan ng pagkapit sa abante ang dalawang koponan at walong beses nagtabla sa unang hati pa lamang ng laro kung saan nakabentahe ang Magnolia ng 10.

Ang iskor:

San Miguel Beer 90 – Wells 33, Fajardo 16, Cabagnot 13, Santos 9, Ross 6, Standhardinger 5, Cabagnot 3, Pessumal 3, Lassiter 2, Rosser 0, Zamar 0.

Magnolia Pambansang Manok 89 – Travis 31, Lee 22, Sangalang 14, Dela Rosa 7, Barroca 7, Pingris 5, Melton 3, Reavis 0, Jalalon 0, Abundo 0, Herndon 0.

Quarters: 31-21, 48-46, 72-72, 90-89. (Lito Oredo)