Abante Tonite Interactive

Fajardo, Slaughter Almazan miron muna

482

Wala ang tatlong pillar ng PBA sa Philippine Cup, pero sinigurong hindi mawawala ang excitement sa 45th season.

Opening day ng liga sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Tatlong higante ang wala — June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Greg Slaughter ng Ginebra at Raymond Almazan ng Meralco.

Malamang out sa buong season si Fajardo (shin), si Almazan (foot) ay ilang linggo pang mawawala.

Si Slaughter ay nagdesisyon magbakasyon muna sa paglalaro matapos mag-expire ang kontrata.

Kahit wala ang 7-foot slotman na si Slaughter, maganda ang preparasyon ng Gins.

“We’re doing okay,” balita ni Ginebra governor Alfrancis Chua sa pre-season press conference sa Forbes Ballroom ng Conrad Hotel kahapon.

“Nagpa-practice lahat, so far, so good. Our rookies are good. It depends na lang kay coach Tim (Cone) kung sino ila-lineup.”

Nanghinayang ang 12 governors na wala si Fajardo.

“I want to see the adjustment na gagawin ng San Miguel,” dagdag ni Chua. “Nawalan sila ng June Mar, tingnan natin ano gagawin.”

Ang five-peat ng Beermen sa all-Filipino, tinuhog kasama si Fajardo. (VE)