Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo, Slaughter balik banggaan

0 284

Hindi pa nagsisimulang mag-workout nang sabay-sabay ang Ginebra kaya hindi pa nakakasama ni Greg Slaughter ang kanyang teammates.

“We’re having voluntary practices and won’t start official practice for at least a couple more weeks,” balita Biyernes ni coach Tim Cone.

Sa April uumpisahang idepensa ng Gin Kings ang PBA Philippine Cup title na hinablot noong December sa pagtatapos ng nag-iisang torneo na natuloy sa pandemic-shortened Season 45 sa Angeles.

Wala si Gregzilla nang dumayo sa Pampanga bubble ang crowd darlings para itaas ang unang all-Filipino crown sapul noong 2007.

Kinumpirma ni Cone na balik-Ginebra na ang 7-foot center, pumirma na aniya ng bagong kontrata.

Kasunod ng championship run sa 2019 Governors Cup, natapos din ang dating kontrata ni Slaughter sa Gins noong January 2020. Hindi siya agad nag-renew, pumunta ng US para raw hasain pa ang laro.

Mabubuo na muli ang Twin Towers ng Ginebra kina Slaughter at Japeth Aguilar.

May panapat pa ang crowd darlings kay six-time MVP June Mar Fajardo, naka-rekober na mula shin injury sa kanang hita. Inaasahang babalik na ang 6-foot-10 Cebuano sa Season 46 para pangunahan din ang misyon ng San Miguel Beer na bawiin ang koronang limang taon nilang hawak bago napakawalan sa bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.