Abante Tonite Interactive

Fajardo, Slaughter poposte sa Singapore

0 349

Laro ngayon: (MOA Arena)
8:00 pm – Singapore vs Gilas Pilipinas

Nagbago ang landscape ng basketball sa Southeast Asia, pero favorites pa rin ang Gilas Pilipinas na tuhugin ang pang-13 sunod na gold sa men’s baskeball ng SEA Games.

Walang kuwestiyon na men’s basketball ang pinakaaabangang event sa biennial meet. Ngayong taon ay puro mula sa PBA ang ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa 11 nation, 12 day biennial sportefst.

Babalatan ng Pilipinos ang kampanya kontra Singapore mamayang gabi sa MOA Arena.

Kumpleto na ang final roster ni coach Tim Cone, pinakahuling dinagdag si Greg Slaughter kapalit ng injured na si RR Pogoy (lo­wer back). Makakasama ng 7-foot-slotman sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Christian Standhardinger, Troy Rosario, Vic Manuel, LA Tenorio, Stanley Pringle, Chris Ross, Marcio Lassiter, Matthew Wright at Kiefer Ravena.

Dominado ng mga Pinoy ang basketball, pero ayaw magkumpiyansa ni Cone. Kinuha niya bilang assistants sina Jong Uichico at Jimmy Alapag para mamahala sa scouting.

Napag-aralan na ni Cone ang Singapore, may nakita ani­ya siyang ilang players na pang-PBA ang kalibre. Pero ‘di ganu’n kalalim.

“We’ve seen a lot of video on them,” anang coach. “They got 4-5 really good players, beyond that I wouldn’t say they’re a deep team.” (VE)