Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo, SMB niligwak ROS

0 96

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
5:15 pm – Meralco vs Blackwater
7:15 pm – Phoenix vs NLEX

Pinahirapan ng depensa ng Rain or Shine si June Mar Fajardo, hindi makakuha ng disenteng tira ang six-time MVP, pero nakagawa ng paraan para makatulong sa San Miguel Beer sa ibang aspeto ng laro.

Tumagay ng 21 points si CJ Perez, tig-16 sina Marcio Lassiter at Rodney Brondial, at naipreserba ng Beermen ang 99-93 win sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

No. 1 na muli ang SMB (5-1) sa standings ng PBA Philippine Cup elims.

Namigay si Fajardo ng career-high 7 assists, sinahugan ng 16 rebounds kahit naka-10 points lang sa 5 of 10 shooting.

SM food to go Banner Ad

“Alam naman natin nag-ko-collapse talaga ang defense kay June Mar, buti lumabas ‘yung ibang aspects ng laro niya,” ani coach Leo Austria.

Nabaon sa 1-5 ang Elasto Painters, humugot ng 18 points mula kay Jewel Ponferada.

Sa first game, steady pulso sina RR Pogoy at Jayson Castro sa dulo at ipinagpag ng TNT (6-2) ang NorthPort (2-4) 117-112.

Namuno ang 27 points ni Mikey Williams sa Tropang Giga, sumegunda ng 22 si Pogoy. May 17 pts., 14 rebs. si Poy Erram, 17 markers at 8 asts. kay Castro.

Inabot ng mild ankle sprain si Batang Pier star Robert Bolick sa first quarter, hindi na nakabalik. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.