Fajardo, Sotto inisnab ng SBP

864

Kulang sa sangkap ang Gilas Pilipinas pool.

Kahapon ay inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 24-man pool na paghuhugutan ng lineup para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa February.

Thailand at Indonesia ang katapat ng ‘Pinas mula Feb. 20-23 sa home-and-away games.

Undersized, kulang sa bigs ang agad napuna ng bayang naloloko sa basketball.

Inisnab si June Mar Fajardo, wala ring Kai Sotto.

Tanging lehitimong slotman sa pool sina Christian Standhardinger­ at Japeth Aguilar. Isinama pa ang beteranong si Marc Pingris.

Pasok ang lima mula sa Gilas Special Draft ng PBA nitong December na sina Isaac Go, Matt Nieto, kambal niyang si Mike, Rey Suerte at Allyn Bulanadi. Swak din sina Thirdy Rave­na at Jaydee Tungcab.

Ang iba pa: Troy Erram, RR Pogoy, Bobby Ray Parks Jr., Kiefer Rave­na, Juan Gomez de Liano, CJ Perez, Kobe Paras, Dave Ildefonso, Javi Gomez de Liano, Mac Belo, Matthew Wright, Dwight Ramos, Justine Baltazar at Troy Rosario.
Ang sunod na inaabangan mula sa SBP ay kung sino ang nonombrahang coach.
College standouts at PBA players.

Matagal nang nagsilbi sa National team si Pingris, 38. Nakapaglaro pa siya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain, pero tapos nu’n ay pasulpot-sulpot ang laro at binagabag na rin ng injuries. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...