Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fajardo yaya muna

0 119

Puwede nang maging nanay?

Nagyaya na muna si Philippine SuperLiga (PSL) player Kim Fajardo nang maispatangnag-aalaga ng baby habang may pitong buwan nang nakatengga ang women’s indoor volleyball league dahil sa Covid-19.

Related Posts

Sa Instagram story ng F2 Logistics Cargo Movers setter nitong Huwebes, karga niya ang isang sanggol.

“Miss u kikay,” caption ng 26 na taong gulang, may taas na 5-8 na dalagang Batangueña sa ibinahaging picture kung saan bakas sa mukha nito ang sobrang pagkagiliw sa alaga.

Maluwag pa ang iskedyul sa ngayon ni Fajardo dahil hindi pa sila nakakapagsagawa ng team practice dulot ng pandemic sapul nang itigil ang liga noong Marso. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.