Abante Tonite Interactive

Fake birth certificate

554

Gusto ko lang pong magtanong kung ano ang pwedeng gawin. Noong 1992, my husband was hired to work in Kuwait, kaso underage siya at that time born in 1969, so with the help of a friend nakakuha siya ng fake birth certificate showing year of birth 1968 kaya nakapagpagawa siya ng passport. After that, the rest na ng documents niya showing 1968 ang birth date niya.
Atty. Claire, ano po ba dapat gawin ng husband ko?
Best regards,
Maria

Dear Maria,
Sana ay hindi ito gawin ulit ng asawa mo dahil baka makasuhan pa siya ng falsification of public documents lalo na at paulit-ulit niyang ginagamit ang nasabing birth certificate sa pagre-renew ng passport niya.
Mas mainam na ipa-correct na ng asawa mo ang passport niya at mag-manifest siya na may amendment na gagawin sa kanyang passport at ipakita ang nakuha niyang bagong certified true copy ng kanyang birth certificate galing sa Philippine Statistics Autho­rity.
Ang mga mali ay naipapa-correct naman kapag naipakita ang tamang records. Dalhin din ang la­test NBI clearance at ibang documents para maipakita ang tamang birth date niya ayon sa mga public documents at records.
***

Dear Atty. Claire,
Question po regarding sa friend ko kinasal po siya noong mga 17 years old pa lang siya. Hindi po nila na-re­gister ang kasal nila at wala pong marriage certificate o license. Nagloko po asawa niya at sumama sa kapwa babae, puwede po ba siya magpakasal ulit?
Salamat po,
Jeric

Dear Jeric,

Medyo naguguluhan ako sa kuwento mo dahil nakikita ko na hindi naman talaga sila nagpakasal nang ligal. Sabi mo ay nagpakasal sila at walang marriage license. Kung walang marriage license ay hindi dapat nakasal ang dalawa maliban lamang kung nagsama na sila bilang mag-asawa ng 5 taon bago nagpakasal. Ayon kasi sa ating batas ay maaa­ring magpakasal ang dalawa na walang impediment (ibig sabihin ay walang hadlang sa pagpapakasal o walang asawa) kahit walang marriage license kung sila ay nagsama na sila ng 5 taon bago magpa­kasal.

Ang sabi mo ay hindi nila naparehistro ang kasal nila pero wala naman silang marriage certificate. Kung wala naman talagang marriage certificate ay tunay na walang mapapare­histro. Ngunit dapat tandaan na kahit hindi naparehistro sa NSO (PSA) ay mananatiling kasal kung may ibang ebidensiya ng pagpapakasal tulad ng lit­rato o video habang kinakasal. Maaari kasing ipa-late re­gister ang kasal kung tunay na naganap.

Sa aking palagay ay wala namang naging kasalan na naganap dahil lahat ng mahahalagang dokumento na dapat mayroon ang dalawa bago ikasal ay wala, tulad ng marriage license at marriage certificate. At dahil wala naman tunay na kasalan na naganap, walang rehistro sa PSA ay masasabi ko na maaari siyang magpakasal. Bago naman din makasal ang kaibigan mo ay mayroon silang application for marriage license at CENOMAR (Certificate of No Marriage). Kapag siya ay nabigyan ng Local Civil Registrar ay wala nang hadlang pa sa kaniyang planong pagpapakasal.

Pero kung lumabas sa record na siya ay kasal, dapat na ipawalang bisa niya ang kasal dahil sa menor de edad pa siya noong ikinasal at walang marriage license.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com