Abante Tonite Interactive

Fake news! Gov’t official naispatan sa Pegasus

578

Mariing itinanggi ng pamunuan ng isang sikat na Ultimate Men’s Club ang mga usap-usapan sa social media tungkol sa isang opisyal ng gobyerno na diumanoý nakitang pumasok sa kanilang establisimiyento noong Marso 16.

Babala pa sa publiko ng Pegasus na mag-ingat sa mga kumakalat na fake news sa social media laban sa sinasabing opisyal.

Sa inilabas na pahayag ng club, nilinaw nito na Marso 14, 2020 pa lamang ay nag-isyu na sila ng abiso para sa temporary suspension ng operasyon ng Pegasus na magtatagal hanggang Abril 14.

Ayon sa Pegasus, nagpasya silang itigil muna ang operasyon ng club matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim sa community quarantine ang Metro Manila noong Marso 11 para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Unfortunately, information on social media regarding a government official who was allegedly seen at the establishment on March 16, 2020 has started to circulate through a fake announcement that used the establishment’s logo. Please beware of fake news,” pahayag pa ng Pegasus.

Kinondena rin ng pamunuan nito ang mga nagpapakalat ng fake news na iresponsable at nakasisira hindi lamang sa kanilang kompanya kundi maging sa taong biktima ng mga malisyosong impormasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad